Saturday, August 13, 2011

Mga Impit na Daing ng Pangungulila by; George Costales




naglalambitin sa talukap ng gunita
ang mga alalahanin ng buntong hininga
nginangatngat ang damdaming naulila
ng mga hinanakit na nilunod ng luha.

sa pagaspas ng tandang sa pag uumaga
sa mahilam na liwanag ng araw na maputla
tila ang sugat na likha ay pinananariwa
sa paglusong sa laot ng sawing tadhana.

walang pangalawang sakit na iyong ginawa
malibang dikdikin ang pusong manhid na
at saka iwiwisik sa palanas at uma
at dooy lilimuting minsay kinaray ka.

kung pinagsugpong ang katawang pata
sa halinghing at ungot at mga pagpapasasa
sa marahang kurot at tandang sumugba
sigalpot ng nasang naglugmok nagpahina.

maalala mo kayang minsa'y nagtampisaw
NAGPAKIWAL KIWAL KA SA PANGINGIBABAW
iginiya mong minsan ng sa iyo ay sumablay
at saka ka dumaing ng pagkatagaltagal

naalala mo ba ang pangangabayo
ng ikaw at ako'y sakbat pa ang pagsuyo
para akong hiniteng uhaw sa kalaro
na ang nasay lagpasan ang pagdidiliryo..

malamlam ang paningin habang hinahagod
sa malaong gunitang pilit sinasayod
saan nagsimula at saan nagtapos
ang isang pagsintang kay ikling natapos.

akala ko'y kayang ihandog ang langit
sapat ang sandatang aking ginamit
inakalang tapat na sa akin umiibig
sa ibang pagsinta'y kay daling naakit.

paano ang gabi ng mga pagtangis ?
ang pangangailangan ng paghuhumindig
walang ibang lunas malibang ihagis
ang walang malay na pamumulandit.

pagkatapos ng sigwa ng maalong nasa
saka magsisisi sa lisya mong nagawa
ano't nadamay ang binhi at pag asa
disin sana'y mabuti kung napasok sa ina.

lilimutin kita kahit masakit
susubukang sa iba maghanap ng init
sana ay makita ang iyong kapalit
ng di na naglalatang ang poot at galit...

PINAGTAGPO ni krizza marie calaud




Dumating ka ng di inaasahan,

at nagbigay ng tunay na kaligayahan.

at pagmamahal na hindi kailanman,

naramdaman.

noong una ay nahihiya pa,

dahil hindi lubos na magkakilala.

ngunit nabuo ang tiwala,

at ngayon ay lagi ng magkasama.

may kanya-kanyang mundo,

at laman ang bawat puso.

ngunit bakit nagka-ganito,

tayo ba'y sadyang pinagtagpo.

noong una ay nahihiya pa,

dahil hindi lubos na magkakilala.

ngunit nabuo ang tiwala,

at ngayon ay lagi ng magkasama.

may kanya-kanyang mundo,

at laman ang bawat puso.

ngunit bakit nagka-ganito,

tayo ba'y sadyang pinagtagpo.

naging masaya

sa bawat sandaling magkasama.

wala ng hihingin pa kundi ang

pag-ibig mo sinta.

may kanya-kanyang mundo,

at laman ang bawat puso.

ngunit bakit nagka-ganito,

tayo ba'y sadyang pinagtagpo.

Saturday, August 6, 2011

Panaghoy ng Unos by eden listana


walang nakapigil sa kanyang pagalimbuyo
lahat natakot, lahat nagtago
kanyang panaghoy ang maririnig mo
kanyang bagsik ay hindi mapaamo

sa kanyang unti-unting pagtila
nagsimula ang pagdaloy ng luha
maaninag ang lungkot sa kanilang mga mukha
maririnig mo ang hinagpis ng bawat isa

sa paglisan ng unos
maraming buhay ang natangay ng agos
maraming nasawi maraming nasira
maraming ang nawala

Mistulang Karimlan By enrico sarmiento



Mga yakap mo na tila ka'y lamig
Mga titig mo na dahan daha'y na waglit
Damdamin mong lito sa pag ibig mong sawi

Ang labi mo na di na mabangit
Ang ngalan n'ya sa dyosa ng sakit
Iyong limutin ang kanyang inangkin

Mistula ka ng naka-tingin
Sa daan na ka'y dilim
At di ka na muling luluha
Sa pag-ibig mong wagas
Mistula ka ng naka tunganga
Sa Anino mong wala
At di ka na muling aasa
Sa ala-alang

Sa isip mo tila wala nang sandali
Noon ay litong-lito di alam ang gagawin
Di na litong-lito wala ng alam na gagawin
pag ibig mo'y nag laho na
O,bakit pa sa kan'ya

Mistula ka ng naka-tingin
Sa daan na ka'y dilim
At di ka na muling luluha
Sa pag-ibig mong wagas
Mistula ka ng naka tunganga
Sa Anino mong wala
At di ka na muling aasa
Sa ala-alang iniwan niya

Pumikit ka. . .dam'hin ang ala-ala
Pumikit ka. . .dam'hin ang ala-ala
Pumikit ka. . .dam'hin ang ala-ala
Pumikit ka. . .dam'hin ang ala-ala
Dam'hin ang ala-ala

‎"Color of Your Rain by enrico sarmiento



And what's the shade of the rain ?
like stars never exist
it burns out the candle of hope
and to whom who needs the sun

is it the fear of losing
is it the regret of letting go
is it your redemption of things
or is it the anger that ruin it all

is it the unborn love
the hate that kills people
is it the ever lonely
that you just couldn't show

is it the sadness
after all things are gone
is it the disappointment
of the things you've done

And who's to blame for this?
was it the trust
with the never ending excuses
was it the joy
that sometimes hides the truth
or was it the lies
that can make the love dies

And was it all you
and your emotions that keeps you
It's our emotion makes us believe the unbelievable,
And lose something that's so real

pagbabalik ni lhiven seyer


sa pagsikat ng araw hanggang s pglubog ni2
walang pinagbago lito pa rin ako
puro tanong laman ng utak ko
tama ba o mali tuloy ba o hindi

ilang taon n din ang lumipas
mula ng akoy lumisan
sa paraisong aking pinagmulan
na ginawang impyerno ng nakaraan:(

ilang gabi n din ang lumiwanag
ilang araw n din ang dumilim
ngunit bakit akoy lito pa rin
tama ba o mali tuloy bah o hindi?

kaya ko n bang harapin
nang uusig mong paningin
kaya ko n bang sagutin
tanong mong nagmula sa hangin

ngayon akoy magbabalik
tama man o mali
itulot sana ng tadhana
na ikay muling makaharap

masabi ko man lang sayo
mga katagang matagal ko ng tinago
di man nito maibsan ang sakit
alam kong mababawasan ang pait

patawad sa nagawa ko
alam kong ikay nasaktan ko
akoy nagsusumamo,patawad
sa pagdurusa mong dinulot ko

Wednesday, July 20, 2011

kolaborasyong tula nila eden listana at jesrael rivera



kung akoy isang kanta may magkakagusto kaya?
kanila bang uulitin ang aking bawat salita?
kaya bang itipa sa gitara ang aking musika?
maiparating ko kaya ang nais sabihin sa kanya?

At kung sakaling ako'y maging isang awit
harinawa'y mapakinggan ng lupa't ng langit
kagalakan ko'y lulubos,kung pakikinggan mabuti
ang bawat salita kong sa puso nanggagaling

ang ritmo ng awitin ko nawa'y dumalisay
ng luhang kanina pa nagbabantang pumatak
magpalimot sa sawi sa kanilang pagkawakawak
at magbigay ng libong saya sa dalagang umiiyak

at kung sa aking mahal ako'y makarating
madama nya sana ang aking damdamin
sa bawat kong linya kanya sanang limiin
pagmamahal ko'y di kayang sukatin

by :lhiven seyer


after many years away,
the sight of home from the plane,was a flock of parrots lifting
shieking,pounding rapid wings,
raising pollen and dust in your hearts paddock
it was the cities centr's hot metal and blinking glass
glinting in the sun
signalling a greeting;
it was all the toy cars washed ang polished
winking from the roadways
it was the sweep of the bay
as the plane turned to land,
to where every1 was waving in your direction,
flashing smiles,lifting children 2 see
as you came through the barrier
to all that was so familiar,yet changed:
your mother greyer than you remembered
and frail in your embrace
your father rounder,short of breath,and red in the face,
assuring you gruffly,all's much the same
in this place that you've carried about with you
on the back of your eyelids,
in your heart's locket
in your memory safe

poem by airyn lentija sloan




When Two Of Us Apart

When winter came and
went―and came
without you
each morn of mine
breaks with rain drops.
The burning sun
that used to shine
my summer's morn
will be hanging blind,
rayless,and the
lively earth
will loose its glow,
chilling on its axis.
What mine is but
a love so deep
cast from a sapphire sea
of precious pearls.
But dear,oh well
if you leave me here
pathless and crack under
the dull sky.
Expect my love
each morn of mine
will bath in rain drops
when winter came and
went―and came
without you.

Copyright 2010

Saturday, July 16, 2011

ALAY kay BUNTONG HININGA


naroroon ka na naman sa pagbubuntong hininga
nilulunod ang sarili sa lungkot na dala
ng pusong sadlak sa paggunita
ng mga alaalang nagkukulay pula

at di mo pinapansin ang iyong paligid
na may kulay bughaw doon sa langit
sa dagat naroon patuloy na umaawit
ang along parating sa dampa natin.

kung iyang mga kabigua'y sumapit sa iyo
kaibigan di ka naiiba sa iyong katoto
ako'y may kakilalang nilalamon ng husto
ng halimaw na kabiguan nitong ating mundo

ngiti lamang kaibigan kahit pa nga pilit
ang mahalaga'y maibsan ang pait ng dibdib
iyang lungkot sa ati'y tulad din ng sakit
kailangang paglabanan para maiwaglit.

tula ni lhiven seyer


heto na naman ako
sa aking kama
nakahilata,nakatingala
sa kisame na pulang pula

sa aking gunita
pilit inaalala,pilit binubura
ang nakaraan
na kakambal ko na

bakit ba kelangang
ako ay magdusa
sa isang pagkakamaling
di ko nmn sinasadya

ito ba ang kabayaran
sa aking nagawa?
ang maging malungkot
at laging naka buntong hininga

at ngayoy inuusig na
ng aking konsensya
pagkat alam kong
ikaw ay nagdurusa

pano ako ngingiti
kung sa bawat subok ko
lungkot sa iyong mga mata
ang naaaninag ko

pano ako tatawa
kung sa bawat subok ko
ramdam ko ang hinagpis
ng iyong pagluha

at sa pagkamit
ng aking pangarap
di magawang
lumigaya ng ganap

pagkat alam kong
ang kapalit nito
ay iyong pangarap
na aking winasak:-(

ang hiling ko lang
sana ako ay mapatawad
at muling masilayan
ang tamis ng iyong ngiti

at higit sa lahat
muli mong matagpuan
ang boses mo sa pagkanta
na iyong kinalimutan
hahayyyyy

Saturday, July 9, 2011

Ilipsis sa Iyong Paglisan ni ezzard gilbang




Pinatatakas kita ngayon habang

ikinukulong sa rehas ng pag-asam ang iyong alaala.

Pinaaalpas sa iyong paglaya habang

kuyom ng aking dibdib ang pangaw ng iyong ngiti at halik.

Pinalalaya ko ang iyong búkas habang

nagpapaalipin sa bakás ng iyong samyo at tinig.



Hindi na kailangang buksan ang ating hawla.

Naririnig ko na ang pagaspas ng minimithi mong paglisan.



Hindi ka napagod.

Hindi natulog ang iyong mga gabi.

Hindi umamo ang binitag kong puso.

Hindi naturuang mangusap ng kapuwa pag-ibig

ang ilahas at umid mong pangako at pangarap.



Sa iyong pag-alis, ipipinid ko ang aking daigdig

upang makipagniig sa aking panaginip.

At pagbubuksan lamang sa pintig ng iyong mga katok

Paalam Na by: Eden Listana (dhenski lasic)




Verse I

musmos pa lang ng ako ay mapadpad

dito sa skwela isip ko'y lumilipad

pero ng ikaw ay makilala

pangamba ay biglang nawala
...



Refrain

at ngayon magtatapos na tayo

sa apat na taon na ating binuno

kaya ngayon humanda na kayo

sa pagharap sa panibagong mundo



Chorus

paalam na mga kaibigan

hindi pa nman ito ang katapusan

mga alaalang ating nilikha

ay babaunin ko sa aking pagtanda

paalam na mga kaibigan

sana naman walang kalimutan

mga kasiyahang pinagsaluhan

kahat ng itoy di matatawaran

mananatili to sa aking puso at isipan



Verse II

dito unang tumibok ang puso ko

dito rin ito unang nabigo

sabi nila highschool ay magulo

pero masaya kahit isip ay nalilito

(repeat refrain and chorus)



Bridge

at ngayon ating lilisanin

paaralang humubog sa atin

kahit na naging sakit ng ulo

basta ngayon magtatapos na tayo

(repeat chorus)



paalam na.... katapusan..

babaunin ko sa aking pagtanda

paalam na.. kalimutan....

lht ng itoy di matatawaran

mananatili to sa aking puso at isipan

o kaibigan...

musmos pa lang ng ako ay mapadpad

dito sa skwela isip ko'y lumilipad

pero ng ikaw ay makilala

pangamba ay biglang nawala
...



Refrain

at ngayon magtatapos na tayo

sa apat na taon na ating binuno

kaya ngayon humanda na kayo

sa pagharap sa panibagong mundo



Chorus

paalam na mga kaibigan

hindi pa nman ito ang katapusan

mga alaalang ating nilikha

ay babaunin ko sa aking pagtanda

paalam na mga kaibigan

sana naman walang kalimutan

mga kasiyahang pinagsaluhan

kahat ng itoy di matatawaran

mananatili to sa aking puso at isipan



Verse II

dito unang tumibok ang puso ko

dito rin ito unang nabigo

sabi nila highschool ay magulo

pero masaya kahit isip ay nalilito

(repeat refrain and chorus)



Bridge

at ngayon ating lilisanin

paaralang humubog sa atin

kahit na naging sakit ng ulo

basta ngayon magtatapos na tayo

(repeat chorus)



paalam na.... katapusan..

babaunin ko sa aking pagtanda

paalam na.. kalimutan....

lht ng itoy di matatawaran

mananatili to sa aking puso at isipan

o kaibigan...

untitled by dhenski lasic

In his eyes I can see the pain
I can hear his silent cry
I can feel it with his trembling hand
He said no words but I know he suffered a lot
To give his children anything they want

Years is taking him down
But he won’t give up, he just don’t want to give it up
All the needles, all the drugs
He’ll take it just to live
To see his children grow
To see them happy

But now he can’t take one more blow
And I witness how he kneels before god
Praying not for him but for us, his children
To guide us in our lives
To embrace us in his ways

What a precious gift he was
A loving father to us
I can’t repay him with everything he has done
But my hugs and kisses make him smile
And I know I made him happy
In my simplest way of saying thank you!!!!

Ang 3 anak ni marya ni jesrael rivera




Si fe na panganay ni aling marya
sa edad na disesyete,kaakit-akit sa ganda
mala-anghel ang mukhang nakakahalina
at mahubog ang katawang pang modelo't pang artista
itong si fe pag gabi'y sumapit na
sa may kanto ng ermita doon makikita
mabiling-mabili sa mga lalaking nagnanasa
sa kanyang alindog at hatid na ligaya.

kinse-años si buboy ng maging batikan
na runner ng droga sa bawat paaraalan
mapaging guro o estudyante,inaalukan
ng tinda niyang panira ng isip at katawan
isang araw ng nagtutulak si buboy sa daan
di niya namalayang sya pala'y iniispatan
nabigla ng damputin at kaladkarin ng parak
kalaboso itong si buboy sa kulungan bumagsak.

si estong na dose-años at snatcher ng maynila
bata-bata ng mga naglipanang pulis timawa
sa bawat kanyang napupuslit, mayroong nahihita
mga buayang kasabwat ng kanyang masamang gawa
sa gabi si estong rugby boy sa may luneta
rugby pinagsasaluhan,sinisinghot ng sagana
sa ganitong paraan kahit paano gumiginhawa
naiibsan ang gutom ng kumakalam na sikmura.

ASSURED By: Airyn Lentija-Sloan



When your evening falls,
turning round the praises
to vile words and hates.
And the quite moon
leads your sleepless thoughts,
wandering to the mute sky;
Close your tired eyes
and hear the soothing sound
of your heart's strings,
as my love pluck them tenderly.
Feel the gentle touch
of the warm air
that carries my kisses,
my sweet embraces
and blazing words:
my undying love for you.
I speak not about "oneness"
or the usual "entertwined".
"Security" is what we found
amidst the spectrum of lies.
Assurance stood hard by,
For an instant,You and I
and our love like no other
creates some "aha!" moments
at times when our world freezes
our feelings ignite like stars,
melting each burdens to end
each nights with "I Love You"

© Airyn Lentija 2010

ANG LAYANG LAYANG AT ANG DISYERTO




Isang araw nagpasyang tumira sa disyerto ang layanglayang (swallow).
pero doo'y walang batis . wala ring puno.
kaya nmn lumipad nang pagkataas-taas ang layanglayang,saka nagpaikot ikot sa himpapawid upang matanaw ang nais nitong matanaw.
natanaw nito sa silangan ang halos walang hangganang dagat,at sa hilaga, ang malawak na ulap na iba't-ibang hugis at tila nagsasayaw. at sa timog naman, natanaw nito ang luntian at tila kay lambot na kapatagan.
sa gayon sa sumunod na mga araw,lumipad ang layanglayang nang limang libong li (katumbas ng kalahating kilometro ang isang li)
papunta sa dagat para manguha ng tubig, saka lumilipad nang gayon ding distansya pabalik sa tahanang disyerto.
limang libong li din ang kailangang liparin patungo sa gubat para manguha ng mga sanga, at kung nais nitong maglakbay papuntang timog at kanluran, kapwa sampung libong li ang kailangan na liparin niya. pero lagi na'y umuuwi ang layanglayang sa tahanang disyerto. kaya naman labis na naging abala ang layanglayang, walang tigil itong lumipad ng lumipad ng paroo't parito.

hanggang isang araw, sinabi ng dagat sa layanglayang,"bakit kailagan mong laging magmadali?samahan mo naman ako nang matagal tagal. masdan mo ang aking paligid.hinndi maliit ang aking nasasaklaw. nariyan ang kay raming mga pulo, ang makukulay na isda at halamang-dagat.gusto mong manood ng sigwa? maya-maya lang ay nandiyan na ito. kay gandang palabas! at pag gumabi, ang alin mang batuhan sa tabing-dagat ay maari mong maging tahanan..."
ngunit sabi ng layanglayang, "paalam na dagat, hanggang sa muli!"
at pagkatapos manguha ng tubig, nagmamadali itong umalis.

anyaya naman ng gubat,
"kaibigan, dumito ka naman nang matagal-tagal. dito ka na magpalipas ng gabi.tingnan mo't kay lawak ng aking kaharian. at kay bait ng mga narito.tiyak na makakasundo mo.ang tangi nilang bisyo,ang mga lalaki ay kay hilig sumayaw, at ang mga babae nama'y kay hilig umawit. gusto mo silang makilala?puede rin kitang ipakilala sa oso at sa kuwago.talagang gustong-gusto kong manatili ka rito nang kahit ilang araw.kay sarap matulog dito.pagpikit mo ng mga mata'y walang katapusang mga panaginip-gubat.pag tag-araw, walang hanggang luntian. pagtag-lamig naman, walang hanggang puting-puting niyebe...."
ngunit gayon din ang sagot ng layanglayang,
"paalam na gubat, hanggang sa muli!" at pagkatapos manguha ng ilang sanga,nagmamadali na itong umalis.

at ang ulap sa kanluran na singganda ng mga bulaklak,sinabi sa layanglayang sa mapanghalinang tinig,
"halika, samahan mo akong sumayaw. sumayaw tayo hanggang kaitaasan, at huwag nang muling bumaba. ayy,kay saya ko pag kasama ka!"
ngunit, gaya pa rin ng nagmamadaling manlalakbay,sandali lang nakipagniig ang layanglayang sa ulap at nagmamadali nang umalis. "totoo ngang kay ganda mo, pero paalam na.hanggang sa muli!"
at ang luntiang kapatagan sa timog, pagkatapos na isuot ang mapang-akit na damit ng tag-sibol, inimbita rin ang layanglayang,"bakit lagi kang nagmamadali? lagi na'y iniiwan mo ako pagkatapos ng ilang ikot sa aking himpapawid.halika, bumaba ka rito at pag-usapan natin ang isang napakahalagang usapin.ang pag-ibig at kasipagan at ang sikat ng araw, ang mga ito ba ang kahulugan ng buhay?"
ngunit kay ikli ng sagot ng layanglayang,
"tama ka kaibigan,at batid ko na rin kung ano ang tagsibol. pero paalam na,magbabalik akong muli!"

at sa gabi, habang na22log sa himlayan nito sa tahanang disyerto, nang dahil sa labis na kasiglahan ay madalas na hindi makatulog ang layanglayang. madalas na sabihin nito sa sarili,"totoo nga na labis akong abala.pero hindi ko ba mahal ang dagat sa silangan,ang gubat sa hilaga,ang ulap sa kanluran at ang luntiang kapatagan sa timog? totoong kay ganda nila! ngunit totoo ring hinndi ko na maatim na iwan ang disyerto kong tahanan.hindi ko na maipagpapalilt sa ano man ang galak na dulot ng malayang paglipad sa himpapawid nito, at ang kay sarap na pakiramdam ng paghimlay sa kandungan nito.kaya naman nagpasya akong dalhin dito ang tubig ng dagat sa silangan,ang mga sanga ng gubat sa hilaga ,ang ilang piraso ng ulap sa kanluran at ang tagsibol ng kapatagan sa timog. at nakahanda akong patuloy na maging abala. nakahanda akong maging mas lalo pang abala.at balang araw,makakamit ko ang aking pangarap. na magkaroon ng batis, ng mga puno, ng mga ulap at mga bulaklak. kahit pa nag pangarap ko ay parang hungkag na panaginip lamang,ito ay totoo kong pangrap, at maisip ko lang ito ay labis-labis akong sumisigla."
at ang layanglayang ay patuloy na naging abala at hindi ito nakadama ng munti mang pagod at hirap.

-----( halaw sa isang kwentong asyano na paborito ko)

THEY STOLE MY LITTLE GIRL ORGANS By Airyn Lentija Sloan




















She approached me with a smile
And I, the daughter of poverty
Smiled in response to quiet
The tremble I felt inside.

Slowly I was carried away
By the Woman and Man
From the dusty road
Where I and my sisters loved to play.

They took advantage
of my youth and innocence,
My vulnerability.

They brought me to the city
I saw the glittering lights
The buildings that give promises
That do not last

After two or three nights
They stole took my EYES,
My sight, my windows to the world.

I cry, not just from the pain
But also because I am lost in darkness,
The blank path to find my way home
To hug my mommy.

I scream at the pain that slowly
Kills the little strength remaining in me.
When I woke up,
I thought I was in hell.

There is a scar I can feel.
Yes, I can feel it -- The hollow within me.

They left the scar on my tummy
It bleeds.....
They took my eyes AND my kidney !


They Stole My Organs © Airyn Lentija Sloan 2011

Saturday, June 11, 2011

DOON PO SA AMIN by jesrael rivera





doon po sa ming bayan ng magiting

mga di palulupig sa bawat tiisin

di napasusuko di naptitigatig

may tibay ng loob may tatag ng dibdib



doon po sa amin may pagtutulungan

lahat may bahagi sa bigat ng pasan

kasamang kikilos magpapakapagal

laging aagapay sa mga hirap ng buhay


sa amin mayroong ngiti sa mga labi

kung batiin ka sa umaga o gabi

at malugod pusong pagkamatuluyin

yaman ng lahi na pinagmamapuri



doon po sa amin ay nakawiwili

ugaling taglay bawat salinlahi.






ASSURED
By: Airyn Lentija-Sloan

When your evening falls,
turning round the praises
to vile words and hates.
And the quite moon
leads your sleepless thoughts,
wandering to the mute sky;
Close your tired eyes
and hear the soothing sound
of your heart's strings,
as my love pluck them tenderly.
Feel the gentle touch
of the warm air
that carries my kisses,
my sweet embraces
and blazing words:
my undying love for you.
I speak not about "oneness"
or the usual "entertwined".
"Security" is what we found
amidst the spectrum of lies.
Assurance stood hard by,
For an instant,You and I
and our love like no other
creates some "aha!" moments
at times when our world freezes
our feelings ignite like stars,
melting each burdens to end
each nights with "I Love You"

© Airyn Lentija 2010

a poem from dhenski lasic




In his eyes I can see the pain
I can hear his silent cry
I can feel it with his trembling hand
He said no words but I know he suffered a lot
To give his children anything they want

Years is taking him down
But he won’t give up, he just don’t want to give it up
All the needles, all the drugs
He’ll take it just to live
To see his children grow
To see them happy

But now he can’t take one more blow
And I witness how he kneels before god
Praying not for him but for us, his children
To guide us in our lives
To embrace us in his ways

What a precious gift he was
A loving father to us
I can’t repay him with everything he has done
But my hugs and kisses make him smile
And I know I made him happy
In my simplest way of saying thank you!!!!

Sunday, June 5, 2011

Limang Tanaga ng Pagmumuni Ni KA EZZARD GILBANG





Limang Tanaga ng Pagmumuni


Ni KA EZZARD GILBANG


BUHAY NGA NAMAN
May pahila-hilatang
may sahod na biyaya,
at may halos makubang
daliri’ng nginunguya!

KABALINTUNAAN
Nang sa sakit naratay
pagkai’y umaapaw,
sa may panlasang gutom;
wala man lang ni tutong!

KAMAY
Kung haplos, dumadamay.
Kumakaway, kung paalam.
Nanunumpa, kung tunay.
Kamao, kung lumaban!

PANSAMANTALA
Kinang na kumikislap
maglalaho’t kukupas;
Bubot man na bulaklak,
bukas ay mapipigtas!

ISA PANG KABALINTUNAAN
Nang masigla’t malakas
ay ayaw makausap,
nang mata ay mapikit
ay tinatanong pilit!

sinong naiwan sa kanila? ni sanilyn gianan





















sinong naiwan sa kanila?

ni sanilyn gianan


narito kayong lahat

ngunit sinong naiwan sa kanila?


humihinga ng hanging

mas malamig dahil sa niyebe

habang sila'y nagtitiis

sa usok na panghele


naghahanap ng luntiang paligid

sila nama'y tumataya

na sa biyaya ng pagmamasid


narito kayong lahat

ngunit sinong naiwan sa kanila?


silang halos di na makahinga?


silang nababatikos na maralita?

silang gumagapang, kumakahig

namumuhay higit pa sa daga?


wala ba kayong kamay na

pang aruga?


malayo nga pala tayo

malayo sa kanila.....