
heto na naman ako
sa aking kama
nakahilata,nakatingala
sa kisame na pulang pula
sa aking gunita
pilit inaalala,pilit binubura
ang nakaraan
na kakambal ko na
bakit ba kelangang
ako ay magdusa
sa isang pagkakamaling
di ko nmn sinasadya
ito ba ang kabayaran
sa aking nagawa?
ang maging malungkot
at laging naka buntong hininga
at ngayoy inuusig na
ng aking konsensya
pagkat alam kong
ikaw ay nagdurusa
pano ako ngingiti
kung sa bawat subok ko
lungkot sa iyong mga mata
ang naaaninag ko
pano ako tatawa
kung sa bawat subok ko
ramdam ko ang hinagpis
ng iyong pagluha
at sa pagkamit
ng aking pangarap
di magawang
lumigaya ng ganap
pagkat alam kong
ang kapalit nito
ay iyong pangarap
na aking winasak:-(
ang hiling ko lang
sana ako ay mapatawad
at muling masilayan
ang tamis ng iyong ngiti
at higit sa lahat
muli mong matagpuan
ang boses mo sa pagkanta
na iyong kinalimutan
hahayyyyy
No comments:
Post a Comment