Wednesday, July 20, 2011

kolaborasyong tula nila eden listana at jesrael rivera



kung akoy isang kanta may magkakagusto kaya?
kanila bang uulitin ang aking bawat salita?
kaya bang itipa sa gitara ang aking musika?
maiparating ko kaya ang nais sabihin sa kanya?

At kung sakaling ako'y maging isang awit
harinawa'y mapakinggan ng lupa't ng langit
kagalakan ko'y lulubos,kung pakikinggan mabuti
ang bawat salita kong sa puso nanggagaling

ang ritmo ng awitin ko nawa'y dumalisay
ng luhang kanina pa nagbabantang pumatak
magpalimot sa sawi sa kanilang pagkawakawak
at magbigay ng libong saya sa dalagang umiiyak

at kung sa aking mahal ako'y makarating
madama nya sana ang aking damdamin
sa bawat kong linya kanya sanang limiin
pagmamahal ko'y di kayang sukatin

No comments:

Post a Comment