
Isang araw nagpasyang tumira sa disyerto ang layanglayang (swallow).
pero doo'y walang batis . wala ring puno.
kaya nmn lumipad nang pagkataas-taas ang layanglayang,saka nagpaikot ikot sa himpapawid upang matanaw ang nais nitong matanaw.
natanaw nito sa silangan ang halos walang hangganang dagat,at sa hilaga, ang malawak na ulap na iba't-ibang hugis at tila nagsasayaw. at sa timog naman, natanaw nito ang luntian at tila kay lambot na kapatagan.
sa gayon sa sumunod na mga araw,lumipad ang layanglayang nang limang libong li (katumbas ng kalahating kilometro ang isang li)
papunta sa dagat para manguha ng tubig, saka lumilipad nang gayon ding distansya pabalik sa tahanang disyerto.
limang libong li din ang kailangang liparin patungo sa gubat para manguha ng mga sanga, at kung nais nitong maglakbay papuntang timog at kanluran, kapwa sampung libong li ang kailangan na liparin niya. pero lagi na'y umuuwi ang layanglayang sa tahanang disyerto. kaya naman labis na naging abala ang layanglayang, walang tigil itong lumipad ng lumipad ng paroo't parito.
hanggang isang araw, sinabi ng dagat sa layanglayang,"bakit kailagan mong laging magmadali?samahan mo naman ako nang matagal tagal. masdan mo ang aking paligid.hinndi maliit ang aking nasasaklaw. nariyan ang kay raming mga pulo, ang makukulay na isda at halamang-dagat.gusto mong manood ng sigwa? maya-maya lang ay nandiyan na ito. kay gandang palabas! at pag gumabi, ang alin mang batuhan sa tabing-dagat ay maari mong maging tahanan..."
ngunit sabi ng layanglayang, "paalam na dagat, hanggang sa muli!"
at pagkatapos manguha ng tubig, nagmamadali itong umalis.
anyaya naman ng gubat,
"kaibigan, dumito ka naman nang matagal-tagal. dito ka na magpalipas ng gabi.tingnan mo't kay lawak ng aking kaharian. at kay bait ng mga narito.tiyak na makakasundo mo.ang tangi nilang bisyo,ang mga lalaki ay kay hilig sumayaw, at ang mga babae nama'y kay hilig umawit. gusto mo silang makilala?puede rin kitang ipakilala sa oso at sa kuwago.talagang gustong-gusto kong manatili ka rito nang kahit ilang araw.kay sarap matulog dito.pagpikit mo ng mga mata'y walang katapusang mga panaginip-gubat.pag tag-araw, walang hanggang luntian. pagtag-lamig naman, walang hanggang puting-puting niyebe...."
ngunit gayon din ang sagot ng layanglayang,
"paalam na gubat, hanggang sa muli!" at pagkatapos manguha ng ilang sanga,nagmamadali na itong umalis.
at ang ulap sa kanluran na singganda ng mga bulaklak,sinabi sa layanglayang sa mapanghalinang tinig,
"halika, samahan mo akong sumayaw. sumayaw tayo hanggang kaitaasan, at huwag nang muling bumaba. ayy,kay saya ko pag kasama ka!"
ngunit, gaya pa rin ng nagmamadaling manlalakbay,sandali lang nakipagniig ang layanglayang sa ulap at nagmamadali nang umalis. "totoo ngang kay ganda mo, pero paalam na.hanggang sa muli!"
at ang luntiang kapatagan sa timog, pagkatapos na isuot ang mapang-akit na damit ng tag-sibol, inimbita rin ang layanglayang,"bakit lagi kang nagmamadali? lagi na'y iniiwan mo ako pagkatapos ng ilang ikot sa aking himpapawid.halika, bumaba ka rito at pag-usapan natin ang isang napakahalagang usapin.ang pag-ibig at kasipagan at ang sikat ng araw, ang mga ito ba ang kahulugan ng buhay?"
ngunit kay ikli ng sagot ng layanglayang,
"tama ka kaibigan,at batid ko na rin kung ano ang tagsibol. pero paalam na,magbabalik akong muli!"
at sa gabi, habang na22log sa himlayan nito sa tahanang disyerto, nang dahil sa labis na kasiglahan ay madalas na hindi makatulog ang layanglayang. madalas na sabihin nito sa sarili,"totoo nga na labis akong abala.pero hindi ko ba mahal ang dagat sa silangan,ang gubat sa hilaga,ang ulap sa kanluran at ang luntiang kapatagan sa timog? totoong kay ganda nila! ngunit totoo ring hinndi ko na maatim na iwan ang disyerto kong tahanan.hindi ko na maipagpapalilt sa ano man ang galak na dulot ng malayang paglipad sa himpapawid nito, at ang kay sarap na pakiramdam ng paghimlay sa kandungan nito.kaya naman nagpasya akong dalhin dito ang tubig ng dagat sa silangan,ang mga sanga ng gubat sa hilaga ,ang ilang piraso ng ulap sa kanluran at ang tagsibol ng kapatagan sa timog. at nakahanda akong patuloy na maging abala. nakahanda akong maging mas lalo pang abala.at balang araw,makakamit ko ang aking pangarap. na magkaroon ng batis, ng mga puno, ng mga ulap at mga bulaklak. kahit pa nag pangarap ko ay parang hungkag na panaginip lamang,ito ay totoo kong pangrap, at maisip ko lang ito ay labis-labis akong sumisigla."
at ang layanglayang ay patuloy na naging abala at hindi ito nakadama ng munti mang pagod at hirap.
-----( halaw sa isang kwentong asyano na paborito ko)
No comments:
Post a Comment