
sa pagsikat ng araw hanggang s pglubog ni2
walang pinagbago lito pa rin ako
puro tanong laman ng utak ko
tama ba o mali tuloy ba o hindi
ilang taon n din ang lumipas
mula ng akoy lumisan
sa paraisong aking pinagmulan
na ginawang impyerno ng nakaraan:(
ilang gabi n din ang lumiwanag
ilang araw n din ang dumilim
ngunit bakit akoy lito pa rin
tama ba o mali tuloy bah o hindi?
kaya ko n bang harapin
nang uusig mong paningin
kaya ko n bang sagutin
tanong mong nagmula sa hangin
ngayon akoy magbabalik
tama man o mali
itulot sana ng tadhana
na ikay muling makaharap
masabi ko man lang sayo
mga katagang matagal ko ng tinago
di man nito maibsan ang sakit
alam kong mababawasan ang pait
patawad sa nagawa ko
alam kong ikay nasaktan ko
akoy nagsusumamo,patawad
sa pagdurusa mong dinulot ko
No comments:
Post a Comment