Saturday, August 6, 2011

Panaghoy ng Unos by eden listana


walang nakapigil sa kanyang pagalimbuyo
lahat natakot, lahat nagtago
kanyang panaghoy ang maririnig mo
kanyang bagsik ay hindi mapaamo

sa kanyang unti-unting pagtila
nagsimula ang pagdaloy ng luha
maaninag ang lungkot sa kanilang mga mukha
maririnig mo ang hinagpis ng bawat isa

sa paglisan ng unos
maraming buhay ang natangay ng agos
maraming nasawi maraming nasira
maraming ang nawala

No comments:

Post a Comment